…the adventure begins
Sobrang hirap pag nasa malayong lugar ang taong mahal mo. Nakakabaliw! minsan nga naisip ko sana may powers din ako katulad ni David Rice dun sa pelikulang Jumper. Kahit saan pwede ka magpunta, sa umaga dito ako sa Alabang sa gabi sa Florida naman di ko pa kailangan ng US Visa. Astig di ba! kaso wala eh pag pumikit ako at pag dilat ko dito pa rin ako sa Pilipinas
Buti na lang meron na tayong mga makabagong teknolohiya kung hindi araw-araw akong magpupunta sa Post office para magpadala ng sulat. eh ang pangit ko pa naman magsulat baka isipin ng misis ko eh inaaway ko na siya hehe
Yahoo messenger - buti na lang sa bago kong posisyon sa opis eh pinayagan akong gumamit ng YM. atleast nakakachat ko pa misis ko bago siya matulog.
Send to Phone - ito na siguro ang pinakamagandang “Free text messaging utility” na nakita ko. una - libre. pangalawa - unlimited. pangatlo - plugin siya sa firefox.
Truphone - ito ang ginagamit kong pang tawag sa misis ko. Everyday may libre kang 2 oras. buti na lang wi-fi capable ang cellphone ko so everytime na mapunta ako sa may libreng wi-fi lagi ko siyang natatawagan.
So wala talaga akong lusot na di sya makausap lalo na pag nasa bahay ako or nasa opisina. pag nakatanggap na ako ng txt na “call me”, abah hudyat na yan ng mahaba-habang usapan.
Popularity: 17% [?]
This blog is all about our love story, wedding preparations, food and travel, activities that we both enjoy, cooking expirements and our adventures together as husband and wife…as family.
ben
February 29th, 2008 at 12:21 pm
ahhh.. sweet naman ng hubby ko…sana nga isa kang jumper…
mom says
February 29th, 2008 at 3:36 pm
please take note of this famous adages; don’t measure how far you are from each other but measure the love you have with each other.
mom says
February 29th, 2008 at 3:41 pm
ang sabi ng matatanda hindi nasusukat ang pagmamahal kung kayo’y magkalapit bagkus ito’y nasusukat kung kayo ay magkalayo sa isa’t isa.
gen
February 29th, 2008 at 10:56 pm
mami! yung matanda ba na sinasabi mo eh ikaw yun??! wehehehe joke lang! lab yu!